SORSOGON PROVINCE, NAGHAHANDA NA PARA SA RONDA PILIPINAS 2020
Patuloy ang ginagawang paghahanda ng pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon sa gaganaping Ronda Pilipinas 2020.
Ito’y kasunod na rin ng isinagawang final coordination meeting ng Ronda Pilipinas organizers at Provincial Tourism Office kung saan pinag usapan ang kahandaan ng lalawigan para sa nalalapit na malaking cycling event sa buong bansa.
Tampok sa nasabing meeting ang magiging seguridad at akomodasyon ng mga kalahok mula sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas.
Ayon sa ulay, gagawin sa unang pagkakataon ang Stage 1 at Stage 2 ng nasabing cycling event sa lalawigan ng Sorsogon na lalahukan ng 369 partisipante.
Aminado ang provincial government na malaking oportunidad ito para sa pagyabong ng turismo ng lalawigan lalo na sa mga bayan na dadaanan nito.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.