Ads Top

HIGIT SA 100 BANYAGA AT MGA LOCAL TOURIST NA NA-ESTRANDED SA PROBINSYA, NAKA-UWI NA




Kinompirma ng Sorsogon Provincial Information Office na naka-uwi na sa kanilang mga bansa at lugar ang higit sa isangdaaang banyaga at mga local na turista na una ng na estranded sa probinsya simula ng ipatupad ang community lockdown bunsod ng Covid-19 pandemic.

Ayon sa provincial government, umabot sa halos 136 na indibidwal ang natulungan ng Provincial Tourism Culture and Arts Office na makabalik sa sarili nilang bansa at lalawigan.

Ang hakbang na ito ng administrasyon ni Sor. Gov. Francis Escudero ay suportado rin ni Tourism OIC Regional Director Fe R. Buela at Rommel Añonuevo Natanauan - Focal Person patungkol sa Covid19.

Sa ngayon, ayon sa SPIO nasa 13 na lang ang natitirang stranded tourist sa Sorsogon na kinabibilangan ng 9 na taga-Europa, dalawang Australian at 3 na taga North America.

No comments:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.