SORSOGON, PANGALAWA SA MAY PINAKAMARAMING KASO NG DENGUE SA BICOL NOONG NAKARAANG TAON – DOH BICOL
Pangalawa
ang lalawigan ng Sorsogon sa may pinakamaraming kaso ng dengue sa rehiyon
kasunod na rin ng paglobo ng kaso nito sa Bicol Region noong 2019.
Ayon sa ulat
mula sa Public Health Preparedness and Response Unit ng DOH-Bicol, mula sa
3,550 na kaso ng dengue noong 2018 ay umabot sa 11,092 ang kaso noong 2019.
Umabot sa 87
ang naitalang nasawi noong nakaraang taon kumpara sa 29 lamang noong 2018.
Ayon sa
datos karamihan sa kaso ay naitala sa Camarines Sur (4,651), Sorsogon (2,183),
Albay (1,577) at Catanduanes (1,041).
Patuloy
naman ang paalala ng DOH sa publiko na ipatupad ang 4S Strategy para maiwasan
ang pagdami ng lamok na may dalang dengue.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.