PAGAMIT NG MODULAR CLASS, MAS PINABORAN NG KARAMIHAN - DEPED
Kinompirma
ng Dept. of Education Sorsogon na mas maraming estudyante at magulang sa
lalawigan ng Sorsogon ang mas nagnanais na gamitin ang module sa pag-aaral ng
mga estudyante kasunod ng nakatakdang pagbabalik klase sa mga pampublikong
paaralan sa Agosto.
Ayon kay
School Division Supt. Jose Doncillo, ito ang lumabas sa isinagawa nilang survey
learning of materials para sa mga guro at mag-aaral kung ano ang kanilang
gagamitin sa pagtuturo o pag-aaral ng mga bata.
Isa sa mga
dahilan kung bakit mas pinili ang nasabing sistema ng pagtuturo ay dahil sa
mahina o kawalan ng internet connection.
Paliwanag ni
Doncillo, may apat na option na posibleng gamitin sa pagtuturo ng mga bata o
pag-aaral tulad ng Face to Face (F2F), Modular o printed, Educational
Television and Radio, Home-Based Learning o online at offline class.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.