KASO NG COVID-19 SA BICOL, SUMAMPA NA SA 85, PINAKAHULING PASYENTE TAGA LUPI, CAMSUR
Sumampa na sa 85 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Bicol region.
Ito'y makaraang makapagtala ng panibagong kaso ng COVID-19 sa Bicol region, ayon sa Department of Health Center for Health Development – Bicol.
Ayon sa DOH CHD-Bicol, ang bagong COVID-19 patient ay isang 31-anyos na lalaking residente ng Lupi, Camarines Sur.
Dumating ang pasyente sa Bicol mula sa Cebu noong June 15.
Asymptomatic naman ang pasyente at agad nagpakonsulta sa Camarines Sur Provincial Medical Center nang makarating sa Bicol.
Nakasailalim na ang pasyente sa quarantine, ayon pa sa DOH.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.