PANGATLONG COVID-19 PATIENT NG MATNOG, NAKA-RECOVER NA
By: Sorsogon Provincial Information Office
Photo grab from SPIO FB wall |
Lubos na pasasalamat ang ipinaabot ni Homer Guda sa kanyang mga kabarangay matapos na siya ay salubungin ng mga ito sa kanyang pag uwi sa Pawa, Matnog ngayong Biyernes, ika-31 ng Hulyo 2020, matapos na siya ay ideklarang "recovered" na sa COVID-19 ng DOH-Bicol.
Si Guda na sinalubong ng mga opisyal ng Barangay Pawa.
Kasama ang kanyang pamilya at mga kaanak ay patuloy pa ring susubaybayan ng Barangay Health Emergency Response Team o BHERT. Mananatili rin siyang naka-home quarantine sa loob ng 14 na araw bilang pagsunod sa DOH protocol.
Pangatlo si Guda sa mga pasyente ng COVID-19 mula sa bayan ng Matnog na naka-recover sa naturang sakit.
Ang dalawang naunang gumaling ay sina Remegio Cruz na nakalabas noong Mayo 29 at Wilson Fungo na nakauwi naman noong Hulyo 13. Sa ngayon, mayroon ng 11 recoveries na naitala sa lalawigan ng Sorsogon.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.