Sorsogon nasa ilalim na ng Medium Risk MGCQ
Ito'y kasunod ng pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa pagharap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miembro ng IATF.
Sa ilalim ng *Modified General Community Quarantine Medium Risk, bagamat mas bukas na ang ekonomiya ay dapat magpatupad ng mga sumusunod:
1. Pagpapatupad ng localized or granular lockdown kung kinakailangan.
2. Kailangan ng zoning ng mga lugar
3.Maigting na pagpapatupad ng mga law enforcers sa pagsuot ng face masks, hand washing or hand sanitation at Social or physical distancing.
4.Mandatory quarantining sa mga returning Locally Stranded Individuals (LSIs) at Returning Overseas Filipinos ( ROFs) at kung maari ay sila ay ipasailalim sa RT PCR tests.
Magsisimula ang implementasyon ng MGCQ Medium Risk ngayong araw July 16 hanggang July 31,2020.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.