Bulan Municipal Councilor Joey Guban, nasa maayos ng kondisyon makaraang maaksidente ang minamanehong sasakyan
Sinasakyan na Ford Raptor ni Konsehal Guban (Photo Grab from Journalists League of Bulan FB Post) |
Nagpapagaling na sa sinapit na bugbog, pasa at galos sa katawan si dating 2nd
District Provincial Board Member at kasalukuyang Bulan Municipal Councilor Joey Guban matapos maaksidente sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay
Bacolod, Juban, Sorsogon.
Ayon sa
ulat, sakay ng minamanehong Ford Raptor ang konsehal at pauwi na sana ng Bulan galling sa lungsod ng Sorsogon ng aksidenteng mabangga nito ang nakaparadang
10-wheeler truck sa naturang lugar.
Milagrong
nakaligtas si Konsehal Guban sa aksidente dahil sa halos mayupi na ang unahan
na bahagi ng sasakyan nito.
Sapul sa nasabing aksidente ang kaliwang bahagi ng sasakyan ng konsehal.
Kaagad din
na nadala ang opisyal sa Irosin District Hospital at nakauwi na ng kanilang
bahay dahil sa minor injury lamang ang sinapit nito.
Nabanggang truck ng sinasakyan ni Bokal Guban |
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.