Work from home set-up sa mga guro, patuloy na pinaiiral ng DepEd
By Merry Ann Bastasa, RPI
Mananatili ang work from home scheme sa mga guro at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd), kahit sa mga lugar na nasa low risk areas.
Sa inilabas nitong memorandum, ipinunto ng DepEd, na bagamat pinupursige ngayon ang pagtataguyod ng basic learning continuity, nananatiling prayoridad pa rin ng ahensya ang kaligtasan ng mga personnel nito.
Ayon sa DepEd, inirerekomenda pa rin nito ang work from home arrangement sa mga personnel, na ang tungkulin ay kayang gawin sa pamamagitan ng remote modalities.
Naglatag din ang DepEd ng alternative work arrangement options, na maaaring i-adopt ng mga eskwelahan at ng mga community learning center.
Ninilaw naman ng kagawaran, na hindi papayagan ang ano mang physical reporting sa mga eskwelahan na kasalukuyan pang ginagamit bilang isolation facilities ng local government unit (LGU).
Samantala, sa mga pagkakataong mangangailangan talaga ng physical reporting, nakasaad sa memo na kailangang matiyak na magiging compliant ito sa Safe Return to Work protocols.#
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.