Ads Top

Isa Sa Dalawang Nagpositibo Sa Covid-19 Sa Sorsogon, Pinangalanan

 


Kinilala ni Governor Chiz Escudero ang isa sa dalawang LSI (locally stranded individual) na tinamaan ng 2019-corona virus desease.

 

Itoy ay si Benjoe Genotiva Toriaga, 22 anyos ng Brgy. Hidhid, Matnog na nakarehistro bilang Bicol Patient No. 748 at boluntaryong pumirma ng waiver para maisapubliko ang kaniyang pangalan at madaling matunton ng awtoridad ang iba pa niyang nakasalamuha.

 

Ayon sa ulat, si Toriaga na nagtrabaho bilang office staff sa Makati City ay bumiyahe pauwi ng Sorsogon noong Hulyo 24 sakay ng pampasaherong van kasama ang lima pang pasahero. (Sor. Provincial Information Office)

 

Tatlo sa mga ito ang bumaba sa bayan ng Castilla sa lalawigan ng Sorsogon, isa sa lalawigan ng Albay at ang driver ay kaagad bumalik sa Metro Manila.

 

Si Toriaga ay dumaan sa Cabid-an Processing Unit at dumiretso sa Matnog New Municipal Building Quarantine Facility para sumailalim sa mandatory quarantine. Siya ay kasalukuyang naka-isolate na sa isang Provincial Government Health Facility.

 

Samantala, hindi pinangalanan ng gobernador si Bicol Patient No. 749 na mula sa Brgy. Catamlangan sa bayan ng Pilar dahil siya ay na proseso sa labas ng Sorsogon at kasalukuyang naka-isolate sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital o BRTTH.

 

Dahil ditto, sinabi ng Provincial Health Office Sorsogon, umabot na sa 53 ang kaso ng covid-19 sa Sorsogon kung saan ang bayan ng Matnog ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso na umabot sa 14 na sinundan ng Pto. Diaz na may 11 at 6 naman sa bayan ng Gubat.

 

27 sa nasabing bilang ang nakarecover habang nasa 24 ang aktibo at dalawa sa mga pasyente ang binawian ng buhay.

No comments:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.