Provincial Government, Bumuo Ng Swab Team
Binuo ni
Governor Chiz Escudero ang isang grupo na mangunguna sa agarang pagkuha ng mga
swab samples mula sa mga Sorsoganon na sumasailalim sa mandatory quarantine sa
iba’t ibang quarantine facility sa lalawigan.
Layon sa
pagbuo ng Sorsogon Provincial Team ay para marami at mabilis maisagawa ang
pagkuha ng mga swab samples na isinusumite pa sa Bicol Regional Diagnostic and
Reference Laboratory sa Legazpi City sa lalawigan ng Albay.
Sa kasalukuyan,
dagdag ni Gov. Chiz, mayroon lamang apat na medical technologists ang
Provincial Health Office at limitado sa 60 specimens ng swab samples ng Reverse
Transcription Polymerase Chain Reaction o RT-PCR test kada araw ang nagagawa
nila para sa buong lalawigan.
Sa ilalim ng
Office Order No. 81-2020 na pinirmahan ni Governor Chiz noong Agosto 10, 14 pa
na medical technologists mula sa mga panlalawigang ospital sa ilang bayan ng
Sorsogon ang magiging kabilang sa naturang grupo.
Una ng
pinirmahan ng gobernador ang Executive Order 51-2020 na nagsasaad na ang mga
nasa mandatory quarantine ay kinakailangang sumailalim sa RT-PCR test o swab
test sa ika-pitong araw ng kanilang pamamalagi sa iba’t ibang quarantine facilities
sa lalawigan ng Sorsogon.
Sa kabilang
dako, pinayagan na ng Provincial Health Office na makauwi sa kani-kanilang
tahanan sina Veronica Brusola Honrubia, 23 taong gulang ng Brgy. Zone 7 at Joan
Arguelles Hona, 23 taong gulang ng Brgy. Lajong parehong nasa bayan ng Bulan.
Ito’y makaraang
tuluyan ng makarecover at gumaling makaraang tamaan ng virus.
Ayon sa
ulat, sina Honrubia at Hona ay nagkaroon ng close contact sa limang
magkakamag-anak na positibo sa COVID19 virus noong Hulyo 27 ng makasabay ang
mga ito sa pagbiyahe patungo Sorsogon mula Bulacan.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.