Midwife at LSI na tinamaan Covid-19 sa Sorsogon, pinangalanan na ni Gov. Chiz
Isang midwife at isang locally stranded individual (LSI) ang pinakabagong kaso ng nagpositibo sa COVID19 virus sa lalawigan ng Sorsogon, ayon sa ulat ng DOH Bicol kahapon.
Kinilala ni Governor Chiz Escudero ang dalawa bilang sina Valley Hernandez Tolosa, 33 taong gulang mula Brgy. Bororan sa bayan ng Donsol at Merlina Luzuriaga Gamotin, 60 taong mula sa Brgy. Taromata sa bayan ng Bulan. Sila ay boluntaryong pumirma ng waiver para maisapubliko ang kanilang mga pangalan para madaling matunton ng mga awtoridad ang iba pa nilang nakasalamuha.
Ayon sa ulat, si Tolosa na nakarehistro bilang Bicol Patient No. 699 ay nagtatrabaho bilang Midwife sa Donsol Rural Health Unit (RHU) at nagkaroon ito ng contact kay Bicol Patient No. 310 na si Crommuel Mandane nang italaga siyang mag-duty sa Donsol Community College Quarantine Facility. Nakaramdam si Tolosa ng sintomas dulot ng Covid19 virus noong Hulyo 28 sampung araw matapos ang exposure niya kay Mandane.
Si Gamotin ay naka rehistro bilang Bicol Patient No. 700 at isang Locally Stranded Individual (LSI) na dumating sa Sorsogon noong Hulyo 27 lulan ng isang pampasaherong van mula Blumentritt sa siyudad ng Maynila. Agad siyang isinailalim sa mandatory quarantine sa Bulan National High School at inilipat ng Sabang Quarantine Facility noong Hulyo 30 matapos makaramdam ng sintomas dulot ng Covid19 virus.
Ayon sa Provincial Health Office (PHO), sina Tolosa at Gamotin ay kasalakuyang naka-isolate na sa isang provincial government health facility habang patuloy na isinasagawa ng provincial PNP ang contact tracing sa mga nakasalamuha nila.
Ayon sa PHO, sa panibagong bilang, 22 ang kaso ng positibo, 27 ang gumaling at dalawa ang pumanaw mula sa sakit na dulot ng COVID19 virus sa lalawigan
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.