LIMANG PANIBAGONG KASO NG COVID-19 AT DALAWANG BAGONG RECOVERIES NAITALA SA LALAWIGAN
Limang indibidwal ang naitalang nagpositibo sa COVID-19 ngayong araw habang dalawa naman ang naka-recover, ayon sa Provincial Health Office (PHO).
Kinilala ni Governor Chiz Escudero ang mga nagpositibo na sina Jerrico E. Perol, 35 taong gulang mula sa San Julian sa bayan ng Irosin; Juliana M. Garrido, 69 taong gulang mula sa Camachiles sa bayan ng Matnog; Nestor G. Corral, 63 taong gulang mula sa Zone 2 Poblacion sa bayan ng Bulan; Richard L. Vivar, 33 taong gulang mula sa San Lorenzo, Bibincahan at Caridad M. Herrera, 51 taong gulang mula sa San Juan Roro, parehong mula sa lungsod ng Sorsogon.
Si Perol na nakarehistro bilang Bicol Patient No. 1973 ay isang construction worker at close contact ni Bicol Patient No. 1885 samantalang si Garrido at Corral na parehong senior citizens ay nakarehistro bilang Bicol Patient No. 1975 at Bicol Patient No. 1976. Si Vivar na nakarehistro bilang Bicol Patient No. 1974 ay isang warehouse inventory leader samantalang si Herrera na nakarehistro bilang Bicol Patient No. 1977 ay isang guro ng San Rafael Elementary School sa bayan ng Castilla.
Lahat ng nabanggit na mga nagpositibo sa COVID-19 ay nakakitaan ng simtomas at kasalukuyang naka-quarantine.
Samantala, pinayagan na makauwi sa kani-kanilang mga tahanan sina Michael Q. Argelles, 25 taong gulang mula sa Cogon sa bayan ng Juban at Rowena Mae Lanuza, 29 taong gulang mula sa San Juan Roro sa lungsod ng Sorsogon.
Sa ngayon, mayroong kabuuang 175 na kaso na ang lalawigan ng Sorsogon, kung saan 25 nito ay aktibo, 142 ang naka-recover na at wala ang pumanaw sa sakit na dulot ng COVID-19 virus.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.