"Kapihan sa PIA" pinasimulan sa Sorsogon
Photo credit: OKfm FB page |
Sorsogon City - Pinasimulan ngayong araw ang kauna-unahang "Kapihan sa PIA". Ito'y isang media forum na isinahimpapawid sa himpilan ng DWDR DPR radio ng lalawigan ng Sorsogon at live na ring natunghayahan sa Social Media account ng Sorsogon Information Center ng PIA.
Pinangunahan ang unang yugto ng "Kapihan sa PIA" ni Mr. Marlon Atun bilang Info-Center Manager ng Sorsogon, sa pagsubaybay mismo ni PIA-V OIC Regional Director Marlon Loterte.
Ayon kay Loterte ang plano nilang palawakin ang Kapihan sa buong Bicol region upang mabigyan ng alternatibong medium ang ibang ahensy ng gobyerno na maipaliwanag mas detalyado ang kanilang mga programa.
Mas maganda aniya ang ganitong pamamaraan na nagkakapalitan ng kuro kuro tungkol sa mga isyu ang mga kawani ng pamahalaan at mga sektor na pinagsisilbihan nito.
Agad-agaran namang nasasagot ng mga kinauukulan ang mga tanong galing sa mga mamamahayag na siyang nagsisibling panel of reactors sa isinagawang kapihan dialogue.
Nagpaabot na rin ng pasasalamat si Sorsogon Info-center Manager Marlon Atun dahil sa pagpapunlak ng mga naging resource persons na kinabibilangan ng mga kinatawan galing ng CFARM-C, BFAR, OPAG, Sangguniang Panlalawigan at PNP na nagpahayag ng kani-kanilang opinyon tungkol sa temang "Yamang Dagat ng Sorsogon".
Kabilang sa mga dumalong panel of reactors ang mga aktibong mamamahayag ng iba't-ibang media outlet tulad ng KBP, OK fm, Padaba fm, Brigada News, Spirit fm, Wow Radio, Sagitsit, Radyo Natin at ilang bloggers.
Ang "Kapihan sa PIA" ay buwanang mapapakinggan at matutunghayan ng mga tagasubaybay nito dito sa Sorsogon./ AE
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.