GUIDELINES UNDER GCQ, INILABAS NG LGU CASIGURAN
Isang
executive order ang inilabas ng Casiguran Mayor Edwin Hamor sa kanyang mga
kababayan na ipapasunod epektibo Mayo 1 na nagsasaad ng guidelines na dapat
sundin sa ilalim ng general community quarantine.
Kabilang sa
EO ang pag-alis sa window hour sa mga Public Market, grocery stores,
agriculture and pet shops ngunit kinakailangan pa rin na may ipapakitang GCQ
pass ang mamimili.
Pinapayagan
na rin ang pagbabalik trabaho ng mga obrero sa kondisyon na may dala ang mga ito
ng kaukulang ID at certification galling sa barangay.
Mananatili
din ang ipinapatupad na curfew habang ang mga indibidwal na edad 21 hanggang 59
anyos ang papayagan lang na makalabas sa bahay upang bumili ng mga pangunahing
pangangailangan.
Pinapayagan
na rin na makabyahe ang mga pampublikong sasakyan sa kondisyon na mahigpit na
sundin at ipapatupad ang social o physical distancing at ang pagamit ng face
mask.
Lilimitahan
din sa 10 pasahero ang sakay sa mga namamasadang jeep habang dalawang pasahero
lamang sa tricycle.
Mahigpit din
na ipapasunod ng LGU ang limitadong bilang at nakaschedule na byahe ng mga
public utility vehicles at dapat regular na pasahe ang sisingilin sa mga
pasahero.
Maliban
ditto, kinompirma ng Casiguran Municipal Information Office na bibigyan ng LGU
ng libreng gaas o krudo ang mga namamasadang jeep at tricy, epektibo Mayo 1.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.