Gov. Chiz Escudero may panawagan sa publiko matapos na makapagtala ng Covid-19 case ang Sorsogon
Nanawagan sa publiko si Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero na iwasang mag-panic makaraang
makapagtala ang lalawigan ng Sorsogon kauna unahang nagpositibong kaso sa coronavirus
disease (COVID-19).
Siniguro ng
gobernador na patuloy ang ginagawang contract tracing ng pamahalaang
panlalawigan sa posibleng nakasalamuha ng nagpositibong seafarer kung saan sa
katunayan nasa quarantine facility ang karamihan sa 20 indibidwal na nagkaroon
ng closed contact sa biktima.
Una ng
pinangalanan ni Gov. Chiz si Romegio Cruz ng Brgy. Caloocan Poblacion Matnog na
kauna unahang COVID-19 patient sa probinsya na lumagda sa isang waiver na
ilalabas ang kanyang pangalan upang mas maging mabilis ang isinasagawang
contact tracing.
Sa opisyal
naman na pahayag ng Provincial Health Office Sorsogon, sinabi nito na si Cruz
ay nagtatrabaho sa isang cruise ship at dumating sa bansa galling Miami USA
noong April 1, 2020 at nag quarantine sa isang hotel quarantine facility.
Sa ika-11 na
araw ng quarantine, pinayagan itong maka uwi at ituloy ang quarantine sa
kanyang bahay sa Barangay Alapan 2a Imus Cavite at nabigyan ng medical
certificate ng RHU kung kaya umuwi sa Sorsogon gamit ang isang pribadong
sasakyan.
Dumating
sila sa Sorsogon noong May 2, 2020 at derecho silang pinatuloy sa quarantine
facility ng Matnog kasama ang driver at dalawang kasama sa sasakyan.
Nagpositibo
sa Rapid Antibody Test si Cruz sa ika-anim na araw ng quarantine kung kaya
inilipat sa Sorsogon Provincial Hospital upang sumailalim sa RT-PCR
confirmatory test.
Binigyang
diin din ng PHO Sorsogon na ang kasong ito ay nanggaling sa labas ng lalawigan
ng Sorsogon at hindi pa ito nakakauwi sa kanilang bahay.
Sa kabilang dako, nagsagawa
ang COVID Buster Team ng provincial government ng disinfection and sanitation
operation upang maiwasan ang possible pang pagkalat ng Corona Virus Disease
(COVID-19).
Tumulak ang
grupo sa Matnog National High School upang magsagawa ng pag-disinfect sa
quarantine facility na matatagpuan sa looh ng campus na unang pinagdalhan ng
COVID-19 positive case sa lalawigan upang magsailalim sa mandatory quarantine.
Tumagal ng
halos 15 minuto ang ginawang disinfection procedure alinsunod sa nagging
kautusan at inilabas na guidelines ng Provincial Health Office (PHO).
Ay sus ang tao sa sorsogon takut na takot wala naman dapat katakutan. Mga baggage sila
ReplyDelete