Repatriation program ng LGU Bulusan pansamantalang sinuspendi
Pansamantalang sinuspendi ng pamahalaang bayan ng Bulusan ang kanilang repatriation program sa mga kababayan na na-estranded sa labas ng lalawigan ng Sorsogon.
Ayon kay Engr. Ken Marc Ragasa, hepe ng Bulusan Disaster Risk Reduction and Management Office, isang resolosyon ang inilabas ng Bulusan Local IATF na nagsususpendi sa nasabing programa, until further notice.
Ito’y
makaraang kompirmahin ni Bulusan Mayor Michael Guysayko na dalawang PUM o person under monitoring na nasa
quarantine facility ang nagpositibo sa Covid-19 Rapid test.
Ayon sa
alkalde, ang nasabing mga PUM ay sinundo ng sweeper team ng provincial
government galling sa Turbina, Calamba Laguna.
Dahil ditto,
patuloy ang ginagawang contact tracing ng LGU Bulusan sa mga nakasalamuha ng
dalawa habang hinihintay ang resulta ng swab samples na magiging basehan sa confirmatory
test.
Mahigpit na minomonitor ngayon ng LGU ang mga indibidwal na patuloy na naka-quarantine sa mga quarantine facility ng Bulusan.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.