IKALAWANG BUGSO NG MGA SINUNDONG STRANDED NA SORSOGANON SA METRO MANILA, DUMATING NA
Dumating na
sa lalawigan ng Sorsogon ang ikalawang bugso ng mga na-estranded na Sorsoganon
sa Metro Manila sa makaraang sunduin ito ng pamahalaang panlalawigan ng
Sorsogon sa pakikipagtlungan ng opisina ni Bise Presidente Leni Robredo.
Sakay ng
sampung bus, libreng nakasakay ang nasa 589 na bilang ng Sorsoganons na
nakulong sa National Capital Region (NCR) makaraang ipatupad ang locked down o
Enhanced Community Quarantine dahil sa epekto ng Covid-19 pandemic.
Ayon sa
ulat, karamihan sa mga nasundo ay mga obrero at construction worker na nawalang
ng hanap buhay dahil sa pinatupad na lockdown.
Kaagad na
idineretso sa Sor. State University at sa mga designated quarantine facility ng
ibat ibang local government unit ang nasabing mga indibidwal.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.