SORSOGON AT 4 PANG LALAWIGAN SA BICOL ISASAILALIM SA MODIFIED GCQ SIMULA JUNE 1
Isasailalim
na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Sorsogon at apat pang lalawigan
sa Bicol simula sa Hunio 1 hanggang 15.
Kabilang sa
nasabing mga probinsya ang Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at
Masbate gayundin ang mga lungsod ng Naga at Legazpi.
Batay sa
IATF Resolution Number 40, tanging ang lalawigan ng Albay ang mananatili sa
General Community Quarantine (GCQ) o nasa kategoryang moderate risk dahil sa
mataas na kaso ng Covid-19 sa nasabing lugar.
Ibinaba sa
klasipikasyon na MGCQ ang Sorsogon dahil sa ang lugar na ito ay nasa ilalim ng
klasipikasyong low risk sa COVID-19 infection
Inaasahan
ang pagpapalabas ng bagong executive order ng pamahalaang panlalawigan ng
Sorsogon upang maging gabay ng publiko habang nasa ilalim ng naturang
klasipikasyon ang probinsya.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.