LIQUOR BAN SA BAYAN NG GUBAT, INALIS NA
Kasunod ng pagkakasailalim sa lalawigan ng Sorsogon sa Modified General Community Quarantine, tuluyan ng inalis ng pamahalaang bayan ng Gubat ang liquor ban na simulang ipinatupad sa unang araw ng lockdown.
Sa inilabas na executive order no. 2020-18 ni Alkalde Sharon Rose G. Escoto, sinabi nito na epektibo ang nasabing kautusan simula Hunyo 1 ngunit mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagbebenta ng anomang klase ng alak sa mga menor de edad.
Habang ipinagbabawal din ang pag-inom sa mga pampublikong lugar kung kaya sa loob lamang ng bahay o pribadong tahanan pinapayagan ang pagkakaroon ng drinking session.
Sa kabilang dako, nagpatawag ng pagpupulong at oryentasyon ang alkalde sa 42 brgy official sa Gubat upang himayin ang nakasaad sa inilabas na kautusan ni Sor. Gov. Chiz Escudero na dapat na sundin at ipatupad ng mga LGU habang nasa ilalim pa ang probinsya sa modified GCQ.

No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.