Ads Top

Mga Bicolano hindi na kakailanganing sumailalim sa 14-day quarantine na papunta sa ibat-ibang lalawigang sakop ng rehiyon - Bicol IATF Resolution No. 06

Hindi na kailangan pa ang travel pass o border pass  na ibinibigay ng bawat local na pamahalaan sa mga indibidwal na mareport sa trabaho sa ibang lalawigan na kabilang sa pinalawak na authorized person outside residence o APOR

Sa advisory na inilabas ng BICOL Inter Agency Task Force, maaaring ipakita na lamang ng mga ito ang  rapid pass o IATF pass sa mga checkpoints ng PNP.

Maaari din ipakita ng mga ito ang kanilang company ID or Valid ID ngunit kung wala nito maaring humingi ang Apor ng sertipikasyon galling sa barangay na nagsasabi na nagtatrabaho siya sa isang partikular na establisyemento o kumpanya.

Kasunod ng bagong kautusan ng IATF Bicol, hindi na ma-oobliga pang magsailalim sa 14 day quarantine ang nasabing mga indibidwal kung papasok sa Sorsogon sa kondisyon na walang nakikitang sintomas ng Covid-19 ayon na rin sa pagdetermina ng mga health workers.

Sa kabilang dako, inilabas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ang halaw ng nasabing resolosyon ng IATF:







No comments:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.