2 PRIBADONG SASAKYANG NAHARANG NG MGA OTORIDAD NA MAY LULAN NG MGA PASAHERONG GALING SA METRO MANILA NA WALANG KAUKULANG DOKUMENTO
Matapos ang
isinagawang malawakan na surviellance at operational planning, naharang ng mga
tauhan ng Regional Law Enforcement Unit ng Land Transportation Office (LTO) Region
5 Operations Division ang dalawang pribadong sasakyan na iligal na nagbabyahe
sa kabikulan o kolurom.
Sa ulat ng
LTO Bicol, ang dalawang SUV ay galling sa Pasay City, sakay ang mga pasahero na
walang dalang kaukulang dokumento gaya ng medical certificates and clearances
upang payagang makauwi sa Bicol alinsunod sa inilabas na guidelines ng Inter
Agency Taskforce o IATF.
Kasunod
nito, panawagan ng mga otoridad sa publiko lalong lalo na sa mga brgy official
na maging mapagbantay at kaagad na isumbong ang mga bagong dating na kababayan
sa kanilang lugar upang masiguro na sumunod ang mga ito sa protocol na gobyerno
para maiwasan ang possible pang pagkalat ng coron virus desease.
Sa kabilang
dako, balik operasyon ngayong araw ang opisina ng LTO Sorsogon makaraang
pansamantalang suspendihin ang mga transaksyon nito sa nakaraang dalawang araw
kasunod ng nangyaring power service interruption.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.