DEPED: BILANG NG MGA ENROLLED STUDENTS SA BICOL, HIGIT NA SA KALAHATING MILYON
Higit na sa
kalahating milyon ang bilang ng mga mag aaral sa kabikolan ang kasalukuyan ng
naka enroll.
Ayon kay Mayflor Jumamil, tagapagsalita ng Department of Education Bicol, mula
Hunyo-15 ay umabot na sa 577, 077 na mga mag aaral sa Elementarya, High School,
Pre-School at Alternative Learning System ang nakapag enroll na para sa School
year 2020-2021.
Mula sa
naturang bilang, 31, 077 ang sa kindergarten; 258, 270 sa elementarya; 194, 530
sa Junior high School; 85, 182 sa Senior High School; 2, 832 para sa learners
with Disablity; at 6, 186 naman para sa Alternative Learning System.
Inaasahan pa
sa ngayon ang pagdagdag ng naturang bilang dahil na rin sa pagsisimula ng drop
box enrollment noong lunes sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa.
Itinakda naman ng Deped sa Hunyo 30 ang huling araw ng enrollment period para sa school year 2020-2021.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.