NPA, NAGLUNSAD NG MGA PAG-ATAKE SA BIKOL
Contributed Photo |
Naglunsad ng
sunod sunod na pagatake ang mga pinaniniwalaang miembro ng rebeldeng grupong
New Peoples Army sa iba’t ibang bahagi ng rehiyong Bicol.
Unang
pinasabugan ng mga rebelde ang military truck na papunta sana sa Matnog port sa
may bahagi ng Bgy Casini, Irosin Sorsogon.
Maswerteng walang nasugatan sa mga miembro ng scout ranger na kaagad na nagsagawa ng hot pursuit
operation.
Sa lalawigan
ng Masbate, pinasabugan ng improvised explosive device ng mga NPA ang gusali ng
Rancho Esperanza Ltd. Corporation na nagsisilbing taguan ng mga coal power
plant equipment na matatagpuan sa Brgy. Cabangrayan sa bayan ng Pio V Corpus
habang pinasabugan naman ang isang barangay ambulance ng Brgy Armenia Uson nang
dumaan ito sa bayan ng Mobo.
Sa kabilang
dako, isang miembro ng Phil. National Police ang nasawi habang tatlong
kasamahan nito ang sugatan sa nangyaring ambush na nauwi sa engkwentro sa
Jovellar, Albay.
Kinilala ang
napaslang na si Patrolman Emerson Belmonte habang ang mga sugatan ay sina PCpl
Marlon Beltran, Patrolman Roy Resurreccion, at si Pat John Mark Paz.
Kasunod
nito, itinaas na ng pulisya ang alerto nito sa kabikulan upang mapaghandaan ang
mga ginagawang opensiba o pagatake ng mga rebelde.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.