Ads Top

LSI AT IBAPANG INDIBIDWAL NA PAPASOK SA SORSOGON, OBLIGADONG SUMAILALIM SA 14-DAY QUARANTINE SA MGA QUARANTINE FACILITY NG PROBINSYA

Siniguro ni Sor. Gov. Francis Joseph Escudero na hihigpitan muli ng pamahalaang panglalawigan ng Sorsogon ang pagka-quarantine sa mga indibidwal na dumadating sa probinsya makaraang maitala ang dalawang panibagong kompirmadong kaso ng Covid 19 sa Sorsogon.

Ayon sa gobernador, kaagad na idederetso ang mga darating na LSI o locally stranded individual sa mga quarantine facility ng probinsya at hindi na papayagan pa ang pagkakaroon ng home quarantine sa loob ng itinakdang araw.

Una ng pinangalanan ni Gov. Chiz sa ipinatawag nitong press conference, ang mga nagpositibo sa Covid 19 na sina Tyrone Christian Rocha na residente ng SPPVS, Brgy. Bibincahan, Sorsogon City at ang binawian ng buhay na si Josefa Jazmin ng Brgy. Cogon, Gubat Sorsogon.

Siniguro din ng opisyal na patuloy angginagawang contact tracing ng provincial government sa mga nakasalamuha ng mga ito at dito ibabase ang magiging desisyon ng kanyang opisina sa posibilidad na isailalim sa lockdown ang apektadong barangay.

No comments:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.