IMPORMASYON NG DALAWANG BAGONG NAGPOSITIBO SA COVID-19 SA SORSOGON, IDINETALYE NG SOR. PROV'L HEALTH OFFICE
Inilahad ng Sorsogon Provincial Health Office ang detalye ng dalawang nagpositibong kaso sa Covid-19 sa Sorsogon alinsunod sa inilabas na press release ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol na may petsang Hunyo 30 hinggil sa 4 na bagong kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol kung saan isa ang namatay.
Ayon sa PHO ang 23-anyos na lalaki na taga Bibincahan Sor. City ang ikatlong kompirmadong kaso ng Covid-19 sa Sorsogon na galing sa Guadalupe, Cebu City at isang IT consultant na pumunta sa Vicente Sotto Memorial Medical Center para sa presentation nito noong Marso 2020.
Nanatili ang pasyente sa Cebu habang naka lockdown at lumipad byaheng Manila noong June 19, 2020 sakay ng 3:30pm flight PAL PR1850.
Pagdating sa NAIA Terminal 3, sinundo ng kotse ng kanilang kompanya at dinala sa staff house sa Mandaluyong.
Muli itong nagbyahe noong June 20, 2020, sakay ng Cebu Pacific Flight # 5J325, 10:25 am papuntang Legaspi City at sinundo ng mga kamag anak gamit ang pribadong sasakyan at nag home quarantine sa kanilang bahay sa Brgy. Bibincahan sa lungsod ng Sorsogon.
Dagdag pa ng PHO, linagnat ang pasyente noong mga nagdaang araw at nagkaroon ng mga rashes kung kaya dinala at naadmit sa Mercedes Peralta TTMF kasabay ng pagbigay ng gamot dito laban sa chicken pox o bulotong noong June 26, 2020.
Kaagad nirefer ng PHO PESU ang lalaki at kinunan ng swab sample noong June 27, 2020 at lumabas ang resulta, June 29 na nagsasabi na positibo na ito.
Nagpapagaling na ngayon sa sakit na bolutong ang lalaki na nasa estable ng kondisyon at dadalhin sa Provincial Hospital COVID-19 Ward.
Kasunod nito, nanawagan ang PHO Sorsogon sa mga nakasabay nito sa byahe at mga nakasalamuha na kaagad ipagbigay alam sa Rural Health Unit upang maisabay sa assessment kasunod ng isinasagawang Contact Tracing.
Sa kabilang dako, sumakabilang buhay noong Hunyo 29 ang ikaapat na kaso ng COVID-19 (Bicol #114) sa Sorsogon.
Ayon sa PHO, ang 83 anyos na lola ay residente ng Barangay Cogon Gubat Sorsogon na may travel history sa Doña Imelda Capiligan sa Quezon City.
Una ng nanaadmit sa St. Lukes Global noong June 13 ang pasyente dahil sa sakit na Chronic Kidney Disease, Pulmonya at nagda-dialysis pa.
Una ng nagnegatibo sa Rapid Antibody at RT-PCR test ang pasyante at dumating sa probinsya ng Sorsogon noong Hunyo 18, 2020 na sinundo ng isang pribadong sasakyan.
Nagkaroon sya ng ubo, lagnat na 38.9 hirap sa paghinga. Kaya dinala sya sa Metro Health Hospital noong Hunyo 26, 2020
Siya ay diagnosed na may Pulmonya at sa kadahilanan ng komplikasyon ng kanyang bato at pag didialysis sya ay namatay noong June 29, 2020, alas tres ng madaling araw.
Ang mga labi ng pasyente ay na cremate alinsunod sa gabay ng DOH.

No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.