LGU GUBAT PATULOY ANG ISINAGAWANG CONTACT TRACING
Patuloy ang isinasagawang contact tracing ng pamahalaang bayan ng Gubat kasunod ng pagtala ng kompirmadong kaso ng Covid-19 sa kanilang bayan kung saan namatay nga ang pasyente.
Pinag-iingat din ng LGU ang lahat an pinaalalahanan na sundin ang itinakdang health protocol ng pamahalaan at kung maari iwasan na munang lumabas ng bahay.
Isa ring advisory ang inilabas ng LGU Gubat sa mga pumunta at nagshopping sa LCC Gubat Branch noong Hunyo 22, 24 at 25 dahil sa pagpasok dito ni Bicol#144 o ang guro na taga-Pto. Diaz na nagkaroon ng close contact sa namatay na Covid-19 patient ng Gubat.
Una ng pinulong ng
Gubat Anti-Covid TaskForce ang lahat ng miembro ng Barangay Health and
Emergency Response Team (BHERT) sa apatnapu't dalawang (42) barangay ng bayan upang pag-usapan ang
mas mahigpit na kampanya laban sa virus kabilang na ang isinasagawang contact
tracing efforts at pamamahala sa naglolobong bilang ng mga Locally Stranded
Individuals (LSI).
Inalam din
sa pagpupulong ang magiging Barangay Isolation Units sa bawat barangay na
magsisilbing quarantine facility sa mga LSI habang pansamantalang ipinagbabawal
ang anomang tourism related activities sa naturang bayan.
Maglalagay
din ng PNP checkpoint na mag-i-screen sa mga indibidwal na papasok ng Gubat.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.