Hemodialysis technician ng MetroHealth na una ng nagpositibo sa Covid-19, nakatakda ng makalabas sa ospital
Kinompirma
ng Metro Health Specialist Hospital ang nakatakdang pag-discharge sa
kanilang empleyado na tinamaan ng Covid-19 makaraang magkaroon ng direct
exposure sa namatay na covid patient.
Sa press
statement na inilabas ni Dr. Khem Perez, Pangulo at CEO ng MetroHealth, sinabi
nito na muling makakabalik sa kanyang trabaho si Fabian Deuna o Bicol#143 sa
oras na makompleto ang 14 day quarantine alinsunod sa protocol na inilabas ng
Provincial Epedemiologic Surveillance Unit.
Ayon pa kay Dr. Perez, nakatakdang umuwi sa kanilang tahanan si Deuna sa Mierkules, Hulyo 15.
Una ng kinompirma ng opisyal na nagnegatibo ang lahat ng empleyado na nagkaroon ng
direct contact sa nasabing hemodialysis technician kasunod ng isinagawang swab
test sa mga ito.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.