PHO Sorsogon: Kaso ng dengue sa Sorsogon bumaba sa nakalipas na 6 na buwan kumpara noong nakaraang taon
Bumaba ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Sorsogon sa nakaraang 6 na buwan sa kasalukuyang taon kumpara sa naitala nito noong 2019 sa kahalintulad na panahon.
Ayon sa Provincial Health Office Sorsogon, umabot sa 571 ang naitala nilang kaso ng dengue mula Enero hanggang Hunyo 2020 kumpara sa 697 na bilangnoong nakaraang taon o katumbas ng halos 18% na pagbaba nito.
Isa ang namatay sa dengue ngayong taon na galing sa bayan ng Casiguran habang ang Irosin ang nakapagtala ng napakaraming kaso sa nasabing kwarter na may 101 na bilang.
Kasunod nito, panawagan ng PHO sa publiko na mahigpit na sundin an 4S strategy upang maiwasan ang pagkalat ng lamok na carrier ng sakit.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.