Ads Top

2 bagong recovery sa Covid-19 sa Sorsogon, umuwi na sa kanilang pamilya

Pinayagan na ng Provincial Health Office  na makauwi sa kani-kanilang tahanan sina Rene Jolloso Gargallo Jr., 25 taong gulang na nakarehistro bilang Bicol Patient No. 478 at ang isang taong gulang na sanggol na tinaguriang Bicol Patient No. 484 sa bayan ng Matnog.


Ipinaliwanag ng PHO kay Gargallo at sa magulang ng sanggol ang nilalaman ng kanilang certificate of quarantine completion at ang kahalagan ng pagpapatuloy ng kanilang home quarantine. Ipinaalala rin sa kanila ang pagsunod sa mga health and safety protocols na pinatutupad sa lalawigan.


Ayon sa Provincial Health Office, kasalukuyang mayroon ng 32 bilang ng kaso na positibo, 30 ang gumaling at tatlo ang pumanaw mula sa sakit na dulot ng COVID-19 virus sa lalawigan.




Sa kabilang dako, nagpaabot si Governor Chiz Escudero ng kanyang pakikiramay sa pamilya ng nasawi na hindi na pinangalanan. 


Ang nasawi na nakarehistro bilang Bicol Patient No. 812 mula sa bayan ng Bulan ay pumanaw kahapon mula sa sakit na dulot ng COVID-19 virus sa isang pribadong ospital sa lungsod ng Sorsogon.


Kinilala naman ni Governor Chiz ang dalawang nagpositibo sa COVID-19 virus bilang sina Fatima Ditan Destura, 30 taong gulang mula Brgy. Bato, Bacon District lungsod ng Sorsogon at Christine Corsincino Almosara mula Brgy. Zone 2 sa bayan ng Bulan.


Si Destura na nakarehistro bilang Bicol Patient No. 810 at nagtrabaho sa isang kompanya sa lungsod ng Taguig ay bumiyahe patungo Sorsogon lulan ng isang pampasaherong van kasama ang lima pang pasahero noong Agosto 9. Ayon sa ulat, habang nasa biyahe nakaramdam na si Destura ng sipon kaya kaagad dinala sa Barangay Isolation Unit ng Bato kung saan siya isinailalim sa RT-PCT test o swab test.


Si Almosara na nakarehistro bilang Bicol Patient No. 811 naman ay dumating sa Sorsogon noong Hulyo 29 sakay ng isang pribadong sasakyan kasama ang limang pasahero. 


Ayon sa Provincial Health Office (PHO) nagkaroon ng exposure si Almosara sa isang COVID-19 positive na si Rowena Gozo na tinaguriang Bicol Patient No. 659 habang nasa loob ng Sabang Quarantine Facility sa bayan ng Bulan. (Sorsogon Provincial Information Office)


No comments:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.