Bayan ng Pto. Diaz, isasailalim sa 7-araw na lockdown, simula Biernes, Agosto 7, 2020
(Sor. Provincial Information Office) Isasailalim sa isang linggong lockdown ang bayan ng Prieto Diaz matapos magtala ng pitong kaso ng nagpositibo sa COVID19 virus sa naturang lugar simula bukas, Agosto 7, 2020.
Sa bisa ng Executive Order No. 52-2020 na pinirmahan ni Governor Chiz Escudero, minarapat na ilagay sa lockdown ang naturang bayan upang maiwasan ang pagkalat pa ng virus matapos mapag-alamang mayroong 75 katao na ang naging close contact ng pitong nagpositibo sa COVID19 virus.
Kamakailan, naiulat na pitong magkakamag-anak mula Prieto Diaz ang nagpositibo sa COVID19 virus matapos sila magkaroon ng close contact kay Bicol Patient No. 432 na pumanaw dahil sa sakit dulot ng naturang virus.
Sinabi ni Governor Chiz na ipinagbabawal na lumabas at pumasok sa Prieto Diaz ang mga residente nito maging ang mga galing sa ibang bayan ng Sorsogon maliban sa kung ito ay maituturing na “essential travel”.
Inutusan din ni Governor Chiz Escudero ang lokal na pamahalaan ng Prieto Diaz na magbigay ng guidelines at mga regulasyon upang maging epektibo ang ipapatupad na pansamantalang lockdown.
Maaaring mapahaba pa ang nasabing lockdown base sa magiging rekomendasyon ng Municipal Health Officer ng Prieto Diaz at ng Provincial Health Office.
Hinihiling ng pamahalaang lalawigan ng Sorsogon at ng pamahalaang lokal ng Prieto Diaz ang kooperasyon ng bawat isa
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.