Ads Top

Camalig Bank - Castilla Sorsogon Branch, ipinasara habang nagsasagawa ng contract tracing



Isang kautusan ang inilabas ng pamahalaang bayan ng Castilla para sa pansamantalang pagsasara ng Camalig Bank.

Sa closure order na inilabas ni Castilla Mayor Isagani Mendoza na may petsang Agosto 6, 2020 inutusan nito ang  Branch Manager ng bangko na pansamantang isara ang kanilang establisimiento habang nagsasagawa ng contact tracing ang LGU.





Inabisuhan din ng alkalde ang mga empleyado nito na maghome quarantine sa loob ng 14 araw habang nasa tigil operasyon.

Sa kabila nito, hindi nakasaad sa kautusan kung hanggang kailan ipapatupad ang tigil operasyon ng bangko at wala ding kompirmasyon kung may kawani nito na nagpositibo sa Covid-19.

No comments:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.