Ads Top

TATLONG BAGONG KASO NG COVID19, PINANGALANAN NA


Isang buntis at dalawa pang Locally Stranded Individual (LSI) ang panibagong kaso ng nagpositibo sa COVID19 virus sa Sorsogon, ayon sa ulat ng DOH Bicol.


Kinilala ni Governor Chiz Escudero ang tatlong LSI bilang Rosita A. Sanone, 24 taong gulang mula Brgy. Fabrica sa bayan ng Bulan; Yolita G. Lotino, 38 taong gulang mula Sta. Lourdes, Behia sa bayan ng Magallanes at Lourdes E. Espaldon, 72 taong gulang mula Brgy. Tigkiw sa bayan ng Gubat. 


Sila ay boluntaryong pumirma ng waiver para maisapubliko ang kanilang mga pangalan at madaling matunton ng mga awtoridad ang iba pa nilang nakasalamuha.


Ayon pa sa ulat, si Sanone na naka rehistro bilang Bicol Patient No. 540 ay tatlong buwang buntis at bumiyahe papuntang Sorsogon galing Bacoor sa lalawigan ng Cavite noong Hulyo 20. 


Siya ay prinoseso sa Cabid-an Quarantine Facility at dineretso sa Bulan National High School para isailalim sa mandatory quarantine.


Habang nasa quarantine nakaramdam si Sanone ng pag-ubo kaya kaagad na inilipat sa Sabang Quarantine Facility at sumailalim RT/PCR o swab test.


Si Lotino na naka rehistro bilang Bicol Patient No. 541 ay nagtatrabaho bilang caregiver sa Pasay City ay tumungo sa Sorsogon noong Hulyo 23. 


Nang makarating sa Sorsogon, siya ay prinoseso sa Cabid-an Quarantine Facility at dumiretso sa Magallanes Isolation Facility sa loob ng Magallanes National High School kung saan siya isinailalim sa swab test.


Samantala, si Espaldon na nakarehistro bilang Bicol Patient No. 542 ay bumiyahe pauwi ng Sorsogon galing Novaliches, Quezon City noong Hulyo 25. 


Dumaan ng Cabid-an facility at pinayuhang dumiretso sa Bicol University (BU) Gubat quarantine facility. Mula doon siya ay inilipat sa Bentuco Elementary School isolation unit.


Noong Hulyo 29 ay nakaramdam ito ng pag-ubo, hirap sa paghinga at mataas na blood pressure kung kaya’t muling binalik sa BU quarantine facility kung saan siya sumailalim sa swab test.


Sina Sanone, Lotino at Espaldon ay hindi pa nakauwi sa kani-kanilang mga bahay mula ng dumating sa Sorsogon.


Sa kasalukuyan, mayroong 41 kaso na ng Covid-19 sa Sorsogon kung saan 25 ay aktibo at 14 ang gumaling mula sa sakit na dulot ng virus. (SPIO)

No comments:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.