Isang pamilya sa Irosin, kwinarantine dahil sa pagsuhay sa EO 46-A
Dinala sa quarantine facility ang isang pamilya sa Irosin Sorsogon makaraang madiskobre na hindi dumaan sa tamang proseso o protocol ang umuwing LSI o locally stranded individual.
Sa facebook post ng IrosinNews, dumiretso sa kanilang bahay sa Brgy. Salvacion ang isang LSU na galing sa Bulacan at hindi dumaan at sumailalim sa mandatory quarantining ng LGU quarantine facility.
Binigyang diin ng LGU Irosin na ang kanilang hakbang na isailalim sa quarantine ang buong pamilya ay para na rin sa kapakanan ng mga ito at mga taga barangay upang maiwasan na kumalat ang virus.
Sa ilalim ng Provincial Executive Order 46-A, ang lahat ng mga uuwing LSI ay kailangan sumailalim sa triage sa quarantine facility sa Gallanosa National High School at mandatoryong sasailalim sa 14-days quarantine sa nasabing quarantine facility.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.