Ads Top

LIMANG MAGKAKAMAG-ANAK PANIBAGONG GUMALING MULA SA COVID19 SA SORSOGON


Makakauwi na sa kanilang tahanan sa Matnog ang limang magkakamag-anak matapos silang ideklarang gumaling na mula sa sakit na dulot ng COVID19 virus, ayon sa Provincial Health Office.

Tinanggap mula sa Provincial Health Office nina Liezl B. Amante, 39 taong gulang at ng kanyang anak na si Russel B. Amante, 16 taong gulang; mga pamangkin na sina Albert A. Rosales, 15 taong gulang at John Paul A. Escarcha, 21 taong; at apo na si Arha Flor G. Lazona, 23 taong gulang ang kanilang mga certificate of quarantine completion na katibayan ng kanilang lubusang paggaling sa mula sa COVID19 virus.

Ang magkakamag-anak mula bayan ng Matnog na tinaguriang Bicol Patients No. 330, 331, 332, 333 at 334 ay bumiyahe galing San Jose Del Monte sa lalawigan ng Bulacan sakay ng isang pampasaherong jeep pauwi ng Sorsogon noong Hulyo 15.


Ayon sa ulat ng PHO, naitala ngayong araw ang pinakamaraming bilang na gumaling mula sa sakit na dulot ng COVID19 virus kung saan mayroon ng kabuuang 19 indibidwal ang gumaling sa lalawigan ng Sorsogon.


Kamakailan tatlo pang pasyente ang nakalabas mula sa Provincial Government Health Facility matapos silang maka-recover sa naturang virus. Kinilala ang mga ito na sina Aurea Losamia na tinaguriang Bicol Patient No. 295 mula Brgy. Calongay sa bayan ng Pilar at si Marvin Dionn Azañes na naitala bilang Bicol Patient No. 309 mula bayan ng Matnog at Crommuel Mandane, Bicol Patient No. 310 ng bayan ng Donsol.(Sor. Provincial Information Office)

No comments:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.