Ads Top

DepED Bicol, handang handa na sa pagbubukas ng klase

 



Handang-handa na ang Department Of Education Bicol sa pagbubukas ng klase ngayong araw, Oktubre 5.


Ayon kay DepEd Bicol Regional Director Dr. Guilbert Sadsad, kabilang din sa kanilang pinaghahadaan na ang mga contigencies o ang anumang posibleng maging problema.


Patuloy rin aniya silang makikipag-ugnayan sa central office upang handang gabayan at suportahan ang sino man sa kanilang tauhan ang may katanungan o magkaroon ng problema.


Umapela din ang opisyal sa mga magulang na gabayan lamang sa pagkatuto ang kani-kanilang mga anak at huwag sagutan ang work sheets ng mga estudyante.


Ayon kay Sadsad, mahalaga ang papel ng mga magulang sa bagong set-up ng pag-aaral pero hindi nangangahulugang sila na ang sasagot sa aralin ng mga bata.//

No comments:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.