Moa Signing Ng City Deped At Mga Broadcast Media Partner Sa On-Air Broadcasting Of Radio-Based Learning, isinagawa
Matagumpay ang isinagawang paglagda sa Memorandum of Agreement ng Dept. of Education – Sorsogon City Schools
Division at mga broadcast media partner nito sa lungsod ng Sorsogon hinggil sa
mangyayaring school-on-the-air sa pagbubukas ng klase sa Septyembre.
Pinangunahan
mismo ni City School Division Supt. William Gando ang MOA Signing na ginanap sa
function hall ng School Division Office sa City hall compound, Brgy. Cabid-an.
Pinasalamatan
ni Gando ang suporta ng lahat ng mga broadcast partner upang mabigyan ng
libreng oras ang city DepEd na makapagsagawa ng on-air broadcasting of radio
based learning.
Tema ng
isinagawang aktibidad ay Learning Continuity Amidst the Fight Against Health
& Social Crisis: Projecting Stability through Partnership.
Kabilang sa
mga broadcast media partner na lumahok sa aktibidad ang mga Station Manager at Representante ng mga local radio at TV station sa Sorsogon gaya ng 89.5 OKFM, Padaba FM 99.9, DZGN Spirit-FM, Wow Smile Radio, Pasalinggaya Radio, Radyo Natin, DWDR DPR Radio, DCTV at ESTV Cable.
No comments:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.