Ads Top

Byahe ng modern jeepney sa Sorsogon, umarangkada na

 


Umarangkada na ang byahe ng mga modern jeepneys sa lalawigan ng Sorsogon particular na sa byan ng Gubat.

 

Nasa 27 unit na modernong jeep ng Gubat Transport Cooperative ang namamasada na ngayon makaraang simulant nito ang byahe kahapon, rutang Gubat to Sorsogon City at vise versa.

 

Nag-alok din ng libreng sakay sa modern jeep sa unang byahe nito habang mahigpit na pinapasunod ang itinakdang health protocol ng pamahalaan gaya ng pagamit ng facemask and faceshield ng mga pasahero at limitadong bilang ng mga sasakay ditto.

 

Una ng pinangunahan ni Gubat Mayor Sharon Rose G. Escoto ang pre-launching ng programa kung saan ito ang kauna-unahang kooperatiba sa Bicol na nag-comply sa jeepney modernization program ng pamahalaan, kasabay rin ang panawagan sa LTFRB at LTO na tulungan ang dalawa pang jeepney association sa Gubat sa gitna ng kampanya ng pamahalaan na i-phase out ang mga luma ng PUJ sa bansa.

No comments:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of Sorsogon-News. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Powered by Blogger.